Saturday, July 25, 2009

Magbasa ng mga istorya mula sa 'Pantasya.com'


Magandang ugaliin ang malimit na pagbabasa, inde lamang ito nakakahasa ng iyong utak kundi tumatalas din ang kaalaman mo sa bokabularyo. Madami ka mapupulot na aral sa buhay sa pagbabasa mo ng mga istoryang nkalathala dito.

Note: Namnamin ang aral na dulot ng mga istorya na iyong nabasa at isagawa sa araw-araw na gawain.

Kumain ng 'Candy' kasama ang opismeyt


I-enjoy ang tamis ng candy kasama ang iyong katrabaho. Magsubuan kayo ng lollipop o ano man candy na iyong nais sipsipin.


Note: Huwag kalimutang magsipilyo pagtapos kumain baka sumakit ang ngipin.

Mag-Aral ng Salamangka


Subukan pasukin ang mundo ng salamangka at mahika. Ikumpas ang 'mahiwagang istik' at bigkasin ang salita -"abrakadabra-sisbumba".

Tuesday, July 21, 2009

Ang talambuhay ng 'Pambansang Kamao'

Madaming matutunan at madidiskubre ang mga tao sa paggamit ng Internet. Katulad na lang nitong mga susunod na larawang aking nahagilap:

1. Ito ang larawan ng 'Pambansang Kamao' nuong siya dalawang taon pa lamang. Makikita sa larawan na ang kanyang bigote tumubo na sa kanyang murang edad.


2. Mga tropa ng 'Pambansang Kamao' habang sila ay nakatambay sa isang tindahan sa Gensan. Ito maituturing na pinaka-unang 'Team Pacquiao'.


3. Ito ang unang sabak sa laban ng ating 'Pambansang Kamao' kontra sa dayuhang hapon nuong siya limang taon pa lamang.


4. Ito ang larawan ng 'Pambansang Kamao' nang siya ang pansamantalang nalito sa kanyang kasarian at lumabas sa kanyang 'closet'.


Magpanggap bilang isa sa mga X-Men


Paganahin ang imahinasyon at mapaglarong isipan upang libangin ang sarili. Kumuha ng anim na pirasong lapis o ballpen at idikit sa kamay. Ikaw na ngayon ay ganap na si 'Wolverwin'.

Note: Huwag atakihin ang boss dahil inde siya si 'Sabretooth'.

Magpakalasing sa kape


Kung hinde sapat ang isang tasa ng kape upang pawiin ang iyong antok bakit inde ka magtimpla pa ng kasunod hanggang umepekto ang 'caffeine' sa iyong katawan. Ang oras na mababawas sa iyong regular working hour ay depende dami ng iyong tinimpla at kung gaano ka katagal kumilos para gumawa ng iyong maiinom.

Note: Magbaon ng mani o tinapay habang umiinom para may laman ang tiyan mo kapag ikaw ay susuka.

Monday, July 20, 2009

Maglaro ng baril-barilan


Ang larong ito ay inde lamang pang bata kundi para sa lahat ng mga walang magawa sa opisina. Makakabawas ito ng malaking oras sa iyong working regular hour. (Depende sa kalaban mo kung magaling siyang bumaril)

Note: Humanap ng magandang pwesto kung saan maluwag at makakapagtago ka sa iyong kalaban.

Mamintana sa mga katabing gusali


Kung nagsasawa na kayo sa mga pagmumukha ng iyong kasama sa opisina magandang tumambay sa inyong bintana para maiba-iba nman ang iyong nakikita.

Note: Siguraduhing malinis ang bintana na iyong tatambayan para sa mas magandang pagsilip.

Mag 'Yosi Break'


Ang yosi ay nakakatulong mag-alis ng tensyon at stress sa iyong trabaho. Huwag lang sosobra sa isang kaha sa isang araw. Makaka-konsumo ka ng 20-30 minutes ng iyong regular working hour. (Depende sa layo ng pagyoyosihan mo at sa bilis ng iyong paglalakad)

Note: Cigarette smoking is dangerous to your health

Mag-aral ng kultura ng mga Koreano


Libangin ang sarili sa pamamagitan ng pag-aral ng kutura ng mga Koreano. Matagal-tagal ang guguguling oras sa naturang pagsusuri.

Note: Simulan manuod ng Korean novela para sa dagdag kaalaman.

Magupit ng kuko sa harap ng computer


Ang pag-gupit ng kuko ay makakatulong sa iyong 'hygiene'. Makakabawas to ng 5-10 minutes ng iyong regular working hour. (Depende sa kunat at dumi ng iyong kuko sa paa)

Note: Amuyin muna ang paa bago tuluyang ilabas sa iyong kwarto baka kasi maging sanhi ito ng 'air polusyon'.

Panuorin si Aling Dionisia sumayaw ng 'Careless Whisper'


Manuod ng mga scandal kung saan nasasangkot c si Aling Dionisia at Hayden Kho. Kapanapanabik ang bawat eksena kung saan nagsayaw ng "Careless Whisper' ang dalawa. Aabutin lamang ng 5 minutes ang naturang video sapagkat 'premature ejaculator' si Hayden.

Note: Huwag ng magtangkang pumasok sa banyo at magsalsal sayang lang tamod para sa dalawa.

Mag-Edit ng picture sa pamamagitan ng photoshop


Kumuha ng iyong nais na larawan gusto mong palitan ng iyong mukha sa internet. Ang larawan na kailangan kunin ay dapat na naangkop sa iyong personalidad o kaya ay ito ay sadyang iyong "trip" lamang. Makakabawas ng 30-1 hour ng inyong regular working hour. (Depende sa iyong kasanay sa nasabing paggamit ng photoshop)

Note: Huwag kumuha ng imposebleng larawan na pagdidikitan ng iyong pagmumukha.

Mataimtim na ipikit ang mga mata


Dahan-dahang ipikit ang mata at mataimtim na humimbing ng sa pagkakaupo sa iyong kinauupuang silya. Siguradong tanggal ang inip mo kapag nahimbing ka sa pagkakatulog mo. Makakabawas to ng 30-1 hr. ng yung regular working hours. (Depende sa lalim ng yung tulog)

Note: Tumingin-tingin muna sa paligid bago pumikit kasi wala ka nang makikita kapag nkapikit kana.

Aliwin ang sarili sa pamamagitan ng camera ng iyong celfon



Magpicture sa pamamagitan ng camera ng celfon niyo. Gumamit ng self-timer at humanda sa isang matinding posing. Makakabawas eto ng 10-20 minutes ng itong regular working hours.

Note: Gawin ito ng wala pa ang amo kung hinde yari ka kapag nahuli ka!

Sunday, July 19, 2009

Gumawa ng avatar sa faceyourmanga.com

Makaka-konsumo ka ng 15-30 minutes ng sayong regular working hours (Depende sa pagpapaganda mo ng mukha mo).

Note: Kung panget ka mas matatagalan ka